Ads By Nuffnang

Monday, October 24, 2016

BULONG NG MANLALAKBAY

Ni  Lawrence Avillano
Nawasak na ako sa labis na pagtatanong--
Sa pumupunit ng damdaming pagkalito
Sa kung saan ba tutungo?
Sa kung kailan ba?
Kung paano?
Kung kanino?
At kung anu-ano pa
Hindi naman ako tanga
Pero;
Ewan ko ba
Hindi ko maiwasan Manalangin na lang
Na tumigil na muna ang mundo ko
Hanggang---
Hawak ko na ang kongkretong direksiyon
Kung saan ba patungo
Hanggang kumpleto na ang lista
Ng kung sino ba
Nakahanay nang wasto
Ang bawat numero ng kailan
At ang kung anu-ano
Ay mayroon nang sisidlan
Pero hindi
Kailangan kong sumulong
Hindi ako sisilong kahit umuulan
Hindi ako susuko
Hindi ko ito bibitawan
Kahit pulbos na akong makauwi
Sa huling hantungan


No comments:

Post a Comment