Ads By Nuffnang

Wednesday, February 4, 2015

Metapora ng Pag-ibig

Sa tuwing ika`y nalulungkot at nangungulila
at may munting ibong umaawit sa bintana
tumahan na giliw, itigil na ang pagluha
dahil itong ibon hindi iba at ako nga

at kung sa daan ay may paru-paro
na sunod nang sunod nababaliw sa ganda mo
at sa bawat sandali`y sinasamyo ang `yong bango
isipin mo sinta, ganyan ako

kung papalarin at maligaw ka sa parang
at may lunting damong humahalik sa paanan
na tila ba aliping sumasamba sayong hakbang
katulad din nitong damo ang pag-ibig sayo hirang

at kung itong gabi ay pusikit sa dilim
at walang alapaap na sa langit tumatabing
sana ay silipin mo makikinang na bituin
pagka`t yan ay dahilan ng pagsinta sa `yo giliw

Lawrence Avillano

No comments:

Post a Comment