Ads By Nuffnang

Monday, October 24, 2016

Ang Pusa at ang Pusa - Isang Dagli

Ni Lawrence Avillano

May naghuhuntahan sa aming bubungan. Ang pusa at ang pusa. Sabi ng pusa sa pusa "hindi ko maintindihan nagkukulang din pala ang kawalan!"naiinis nitong sambit. Ang sagot ng pusa "Aba mabuti at iyong nalaman balak ko pa naman sumalok ng wala sa tapayan" nagugulimihanan ang pusa sa sinabi ng pusa. "Aba bakit naman sasalok ka ng wala sa tapayan?" nagtataka nitong pagtataka. "Gusto ko lang punan ang butas ng kakulangan". Napamura ang pusa sa sinabi ng Pusa "Miyawnamo shing kalu shing kalu naman! Kung gagawin mo yan, para kang naghintay ng eroplano sa pantalan!". Nagkakaintindihan na ngayon ang pusa at ang pusa. Hindi dahil pareho silang pusa kundi dahil pusa sila kaya sila naguusap ngayon sa bubungan.


No comments:

Post a Comment