Sayang - Isang Dagli
Ni Lawrence Avillano
May naguusap sa kadiliman. Paguusap na tumapos sa isang
mahabang katahimikan. Sinimulan ito sa buntong-hininga.
Mahaba….
Mariin….
"Nailigtas ko ang isang bituin sa pagbulusok" sabi
ng unang tinig. Pagkatapos bumuntong hininga ulit.
"O eh. Bakit tila nababagabag ka? Dapat kang magsaya.
Hindi lahat kayang magligtas ng bituin." sabi naman ng isang tila
natatawa.
"Masaya nga ako para sa kanya. Para sa akin at para sa
kalawakan na nagmamay-ari sa kanya." Mahina ang sagot. May pagkabalisa
"Oh e ano ngang problema bakit ganyan ka? Magsaya ka at
patuloy mo siyang mamamasdang kumikinang." Ang bahagyang pagtaas ng tinig
ay kapansin-pansin. Siguro ay naiinis na rin.
"Para ka namang bago nang bago. Alam mo naman na ang
istoryang ito"
Sabi ng unang tinig
Sabi ng unang tinig
"Haha! Yan na lang palagi ang dahilan mo sa tuwing ika'y
naririto. Ano nga 'yon? Nais kong matanto." May bahagya nang tuwa. Hindi
ko alam kung bakit.
"Nailigtas ko ang isang bituin sa kanyang pagbulusok
ngunit pagkatapos ng lahat-lahat ako ang nahulog."
Katahimikan....
(bawal maginsert ng huni ng kuliglig wala non sa kalawakan)
"Sawi! Ahahaha!" Paunang sabi ng pangalwa. Bago
mahinang-mahinang idinugtong niya "Para kang tanga na nagpakahulog pa.
Naririto akong kusang bumaba para makasama ka."
"Ano? Para ka na namang kuliglig!" tila naiinis
pang sabi ng unang tinig. Bago mahinang-mahinang idinugtong din "Alam ko
naman. Natatakot lang akong magwakas din tayo sa kawalan"
Mahabang katahimikan ulit.
Ako lang yata ang
nakarinig sa dalwa.
"Shhhhh... wag kayong maingay ha?"
"Shhhhh... wag kayong maingay ha?"