Ads By Nuffnang

Wednesday, February 4, 2015

Tulang Tagalog: Tubigan

"Tubigan - Larong Pambata"
Ano ang Tubigan?
Ang Tubigan ay isang katutubong laro ng mga Pilipino na may anim hanggang walong manlalaro.Kilala rin ito sa tawag na Patintero.
Isinasagawa ito sa daan na ginuhitan (gamit ang chalk o uling) ng patayo at pahalang oupang makabuo ng parihaba o rectangle.
Ang mga manlalaro ay hahatiin sa dalawang grupo na may tatlo o apat na miyembro ang bawat isa. Pinipili ang bawat miyembro sa pamamagitan ng Pompyang (maiba taya), 
sawsaw suka o bato-bato pick (jack en poy). Pagkatapos ay maglalaban ang dalawang pipiliing lider sa bato-bato pick o tao-ibon at ang matalo ang siyang taya.
Ang miyembro ng matatayang grupo ay tatayo sa mga parihabang guhit. Ang nasa
unang guhit o harap ay tinatawag na “patoto”. Ang Patoto ang tumatayong lider na siya lamang may karapatang manghuli o humila sa mga dadaan sa patayong gitnang linya
(parang vertical median na naghahati sa parihaba) na tumatawid sa tatlong pahigang
linya.
Ang miyembro ng nanalong grupo ay kailangang tumawid sa mga guhit papasok mula
sa harapang guhit hanggang sa pangatlo o huling guhit at makabalik palabas mula sa
huling guhit pabalik sa harap ng hindi nahuhuli o nahahawakan ng mga taya.
Upang hindi magtagal ang laro bumibilang nang hanggang sampu ang mga taya at kailangang tumawid na ang nanalong grupo bago matapos ang bilang. Kung 
makukulong sa loob ng guhit ang lahat ng miyembro ng nanalong grupo, bibilang ng hanggang pito ang mga taya at sa loob ng pitong bilang kailangang may makalabas 
kahit isa sa mga nakulong. Kung hindi maangkop sa mga patakaran maari nang mataya 
ang kabilang grupo.
Narito ang tulang nabuo matapos kong panoorin ang mga batang nagsisipaglaro ng 
patintero at ikumpara sa buhay ng tao ang laro.
"TUBIGAN"
isa dalwa tatlo 
tawid bawal maiwan
apat lima anim 
bilis baka abutan
pito...
Pitong nagbabagang guhit
walo hanggang sampu
tuloy-tuloy baka madagit
akala ko nuon tubigan ay laro lang
nitong mga naiinip na kabataan
ngunit nang ako'y magising kinabukasan
itong laro pala'y katotohanan
ang 'tubigan pala ay buhay ng tao
palagi kang taya kung di ka tatakbo
hihilahin o kaya'y itutulak ka ng iba
kapag mabilis naman ay titisurin ka
kaya naman sa larong 'tubigan
kailangang kumilos kaibigan
at nang hindi naman palaging ikaw
ang humahabol at tinatawanan


-Lawrence Avillano

No comments:

Post a Comment