Ads By Nuffnang

Wednesday, February 4, 2015

Ala-ala Mo (Ito ay para sa mga hindi makamove-on)

At dahil valentines day na
narito ang isang tula na nasulat para sa isang kaibigan kong hindi makamove-on sa siyota niyang mukan espasol.

Ala-ala


ang masasaya nating ala-ala`y nagbabalik
mga yakap mong walang kasing higpit
ang mga halik mong dalisay ang init
kahit pa nga ito`y hindi unang halik

hanggang ngayon ay tinatanong ko pa
magagawa ko bang lumimot na?
sa sahig ba'y magagawang manghinura
kung ikaw ang laging laman nitong diwa?

Alaalang parang hanging amihan
damang-dama sa tuwing dumaraan
at kahit na may araw na dumadarang
ang haplos ng lamig hindi magkukulang

ako at ang ala-ala mo ay tila alon at pasigan
hinding-hindi magkakalimutan
kung ang alon man ay banayad o gumugutay
sa aking buhangin pilit na sasanday

kahit na nga ang dala ng daluyong mo'y mga sangang bali
sa aking pasigan may naghihintay na ngiti
ng mga layak na di mapakali
sa pagasang sa agos masasamang muli.

No comments:

Post a Comment