Ads By Nuffnang

Wednesday, October 12, 2016

A Love Triangle

Ang Dagat Ang Ulan At Ang Langit - Tatsulok na Pagibig


Nang minsan silang magkita
Sa isang lugar na tahimik;

Tinanong ng dagat ang ulap
Kung bakit
Labis niyang mahal ang langit---
`Ewan ko`
Ang tangi nitong banggit
Ngunit sa dagat ay 'di makatitig
At mahinang-mahinang sinambit;
Mahuhulog din ako sayo
Kapag ngalay na sa pagkapit
Itong dagat na ang puso'y natigatig
Sa akalang lubos nang wasak ang pagibig
Hindi na nakinig
Nagpakalunod na agad
Sa sariling tubig

3 comments:

  1. ang galing neto. naihugot mo pa yan. thumbs up!

    ReplyDelete
  2. Haha nilagyan ko lang yan ng tag na hugot para magapang ni google. You know SEO haha pafamous

    ReplyDelete