Ads By Nuffnang

Wednesday, October 12, 2016

Ako at ang Ulan

Ako at ang ulan - Isang Dagli


     Ginising ako ng ulan sa mababaw kong pagkakaidlip. Nagwawala siyang sagaran ang ngit-ngit."Lumabas ka diyan kahit isang saglit!" sabi niya "Harapin mo ako't lunurin ang pait". 

     Sabi ko naman "Hindi kita pinatawag hinayupak ka!" medyo natatawa "Ganito ang sabi ko kanina 'Ulam! Ulam pa! Mapait na ampalaya!' haha". Tapos yun naginuman na lang kaming dalwa. 
     
    May sinabi siya sa aking sikreto kung bakit siya malamig. (Gusto mo bang malaman?) At nang kamiy lasing na bigla siyang tumindig at tila aalis na. Pero bigla siyang kumanta "Bale walang pagibig natagpuan ko subalit sinayang ko lamang. Paano natapos? Saan magsisimula?" Drama ng puta. Tropa ko ngang talaga. Kaya tinanong ko siya " Ulan, san ka na pupunta?" malamig ang sagot niya "Iihi, sama ka?"

No comments:

Post a Comment