Ads By Nuffnang

Sunday, November 22, 2015

Kontemporaryong tulang tagalog: Hintay

The tagalog word "hintay" hintayin o maghintay meaning to wait or to anticipate.

HINTAY
Lawrence Avillano

araw-araw na puno ng hamon
inaabot nang maghapon ang pagbangon

kung buong akala ay humakbang na
libong dipa ang layo ng gabi sa umaga

ang agam-agam ay nakakalat sa landas
ginagapang ng segundo bawat oras

dahil hindi ko alam kung dapat ba 'kong lumiko
katulad ng di pagkaalam kung ba't naririto pa ako

nagiinat, naghihikab
hinahanap ang paglingap

nang-uuyam ang paglimas
sa bawat tinakdang oras

kailan muling makikita
hinahanap na pagsinta

o dalwa daw!?
nagtatlo na
ngayo'y apat
baka lima

limang taong singkad ba 'kong
maghihintay ng ligaya

No comments:

Post a Comment