Ads By Nuffnang

Sunday, November 22, 2015

Kontemporaryong Panitikang Pilipino: Para Sa #OTWOL (Isang Tula)

Isang Tulang nasulat bilang reaksiyon sa isang episode ng OTWOL On The Wings of Love na pinagbibidahan ng tambalang Jadine o ni James Reid at Nadine Lustre.


Para sa #OTWOL

hindi kailangang sumugal sa pagibig
dahil ito ay hindi isang hilig
sugal ba 'tong matatawag
kung may tataya at walang kakamig

sa akin lang naman
hindi ito sugal
hindi pusoy
hindi majong
hindi tong-its

dahil hindi ko itataya ang puso ko
ibibigay ko itong buong-buo
na hindi umaasang tatama
na hindi aasang tatanggapin

ngunit mananatiling nakahaya
ang mahalaga
nasabi ang pithaya
pagsinta...

hindi ako susugal
hindi ako tataya
magaalay ako
dahil simula pa lang
siya nang panalo

1 comment:

  1. eh di wow! Ang nice naman kung may tataya at walang kakamig. Haha #OTWOL pa! #JADINE pa!

    ReplyDelete