Ads By Nuffnang

Thursday, October 6, 2016

Gaano Siya Kalayo?


Gaano ba kalayo ang hindi maabot?
Iniisip ko rin
Dahil may mga hindi maabot na hagip ng tingin
Kung minsan nga ay katabi pa
Dumadaplis sa pisngi ko ang kanyang paghinga
Nahawakan ko na rin ang kanyang palad
Pero
Hindi ko siya maabot
Kahit pa sa kaibuturan ng puso ko siya'y naroon
Hindi ko siya maabot
Hindi siya magiging akin

Gaano kalayo ang malapit?
Parang pagitan ng mundo at buwan

Umiikot lang sa kanya pero di malapitan
Bahagi niya ako
Pero hindi niya alam
Malapit siya
Tama malapit siya
Pero malayong maging kaming dalawa


Ngayon ako naman ang magtatanong
Hanggang saan ba ang HANGGANG DOON?

Lawrence Avillano 2016

No comments:

Post a Comment