Ads By Nuffnang

Sunday, November 22, 2015

Tulang Tagalog: Singhot

Singhot is a tagalog word meaning sniff or to sniff
Kadalasang sumisinghot tayo kapag sinisipon pero pwede din natin singhotin ang mababango at kaanis-nais na amoy. Pwede rin nating singhotin ang utot para maubos.

Ang tulang ito ay nasulat matapos akong makakita ng mag-siyotang nagsisinghutan sa Pation ng San Diego de Alcala Cathedral sa Gumaca Quezon.

So here it is:

"I don't dream at night, I dream all day." - Steven Spielberg

"SINGHOT"

Nakatutuwang isispin
Kung paanong natangay ako
ng simple mong bango
pabalik
Sa mga lugar
Na malaon nang binago ng panahon
Ngunit nanatili
Sa sulok
ng madilim kong puso
hinalukay
ang magulo kong isipan
ibinalik
ang mga lumang larawan
na inakala kong
matagal ko nang nalimot
ininis
ang bawat sapot ng damdamin
upang muling tumawa
lumuha
ngumiti
sa kabila ng bawat pangigipit
ng tadhana
Binuhay
Ang ala-ala
Ang ikaw at akong
muntik nang napabayaan
pangakong muntik nang nawala
Sa prayoridad
Sa buhay
At higit sa lahat
Hinango ako
Ng iyong bango
Mula sa mga araw
Oo sa araw-araw
Na hindi ko maramdaman
Ang buhay
hinihila ako
ng simple mong bango
patungo
sa natatagong ligaya
na ipinagdaramot ng buhay
Sa kakaibang lukso
ng puso
na tanging sa panaginip ko
nakilala
Salamat
Nais ko sana
Palagi kang singhotin
Kaya lang
Hindi ka akin
Ngunit
Kung magiging akin ka
Aamoyin kita
Hanggang pareho na tayong amoy lupa
at kung hindi naman
sigurado ako
araw-araw kitang mapapanaginipan

No comments:

Post a Comment