Ads By Nuffnang

Sunday, November 22, 2015

Panitikang Pilipino: Ang Alamat ng Hamog

Hamog meaning dew or vapor.

Kung maglalakad sa umaga mapapansin mong basa ang mga damo at dahon ng mga halaman at yan ay dahila sa hamog. Narito ang isang tulang nauukol sa alamat ng hamog.

Ang Alamat ng Hamog

kung tayo'y di na muling magkita
sa aking landas
sana ay magiwan
kahit munting alaala

yan ang hiling ng araw
sa buwan
at sa supling
na bituin

kaya naman bilang tugon
hinayaan ng buwan at bituin
na ang luha nilay matapon
upang pulutin ng araw sa maghapon

No comments:

Post a Comment