"Message
Sent"
Ni Lawrence Avillano
Ni Lawrence Avillano
Umuulan
noon. Pumapatak ang tubig mula sa bubong ng mga gusali. Mayroon pa ngang tila
tubig galing sa gripo. Sira siguro ang alulod.
Sa gitna ng
ulan at nang bagong sasusulpot na lamig ng amihan sa buwan ng Nobiyembre, hindi
matawaran ang dami ng tao sa lansangang aking dinaraanan. Katatapos lang kasi
ng Undas. Magsisipaguwian na sa kani-kanilang bayan marahil.
Sa buhos ng
tao at ng ulan. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga dumaraan. Katulad ng
ginagawa ko palagi.
Iba-ibang
tangkad, kulay ng balat, buhok, kasuotan... kasama. May ngumingiti, may tumatawa,
may nagbubuntong-hininga. Iba't ibang kislap ng mata. Parang mga bituin sa
langit na bitbit ng kaluluwa.
Tumigil ako
at nagtanong. Pero hindi na kagaya ng dati--- "Saan po ang daan?".
Hindi na. Alam ko na. Galing na ako duon kung saan kita iniwan. Matagal na
panahon na. Pero tumigil pa rin ako sa lugar na yon. Sinugsog ng titig ko ang
isang masikip na eskinita na alam kong naghahangga sa inyong pintuan.
Oo. Tumigil
ako at nagtanong sa aking sarili. Pero hindi na kagaya ng
dati-----"Bakit". Kagaya noong mga unang araw na nagpasya tayong
apulahin ang apoy na tumupok sa malamig nating pusong hindi pa nakakilala ng
init kailan man.
Huminto ako
sumandali. Ipinikit ko ang aking mata. Pinakiramdam ko ang lamig ng ulan.
Malamig pa rin..... Malamig pa rin. At kasabay ng pagbuntong hininga ako'y
nagtanong. Hindi na bago sa akin ang tanong na ito---- "Paano?".
At sa
pagmulat ng aking mga mata kasabay ng huling buntong hininga.
Humakbang ako palayo.
Humakbang ako palayo.
Isa....
Dalwa...
Dahan-dahan.
Tatlo...
Apat..
Dalwa...
Dahan-dahan.
Tatlo...
Apat..
Lima! Ganon lang pala. Yon lang pala ang sagot sa nakakabaliw na tanong na iyon. Kailangan kong humakbang palayo at huwag ng lumingon pa. Kahit na alam kong sa dulo ng eskinitang iyon naroroon ka. Naghihintay...
May nagtext
(insert message alert tone).
Baby Girl: Best? San ka na? Hanap ka ni mama. Si Papa may pinalamig. Dinamihan daw niya at nxt year pa to mauulit.
Mauulit? Umaalingaw-ngaw sa isip ko. Mauulit. Mauulit Baka may pagasa pa nga.
Tumugon ako ---
Nakakabingi ang tahimik na pagtipa sa mga titik sa screen ng mumurahin kong cellphone. Bumibilis ang pulso habang nabubuo ang bawat kataga;
"Best sorry pakisabi sa kanila na pasensiya na. May kailangan akong taposin. Lakas pati ng ulan. Parang last na niya to. Sorry baby girl. Take care always."
Message Sent
Pinatay ko
ang cellphone ko dahil alam kong tatawag siya.
At kung ano
man yong kailangang kong tapusin
Alam kong tapos na.
Alam kong tapos na.
No comments:
Post a Comment