Paano nga ba ang tamang pamamangka?
Madali lang yan. Unang-una siyempre dapat may bangka ka. Wag kang mangaagaw ng bangka ng iba. Hindi masaya yon. Pero kung sanay ka naman mangagaw, sige go! Agawin mo lahat.
Pangalwa, dapat may sagwan ka. Paano ka makakapamangka kung wala ka namang sagwan? Ang lagi mong tatandaan, wag na wag kang mamamangka nang walang dalang sagwan. Kahit pa demotor pa yan o de layag. Paano kung naubos ang gasolina? Paano kung kumalma o sobrang lakas ng hangin? Patatangay ka na lang? Yang sagwan para yang tapang, lakas ng loob. Ano lalaot ka lang? Palalim nang palalim hanggat kaya mo pa tapos magpapaanod ka lang papunta sa kawalan? Di ba sayang naman.
At kung napili mong managwan. Dapat balanse ang pagsagwan. Hindi puro kanan. Hindi puro kaliwa. Dapat marunong ka sumagwan sa both sides para may direction ang bangka. Dahil kung puro kaliwa o kanan lang ang sinasagwanan mo, magpapaikot-ikot ka lang, mapapagod at walang mararating. Dapat din marunong ka magtimon. Kasi yang pagtitimon ang magdidikta kung saan mo gustong pumunta.
At higit sa lahat, dapat alam mo kung kailan ka tatabi. Kapag masyado nang malayo at mukang wala ka namang patutunguhan, aba! TABI TABI NA AT BAKA MAPADPAD KA LANG SA KUNSAAN. Ikaw din ang mahihirapan kapag nangyari yon.
Dapat din marunong ka maglimas. Alam mo yon? yung Paglilimas? Yan yong pagtatagkal ng excess water na pumapasok sa bangka. Dapat talaga marunong ka niyan. Paano kung abutin ka nang ulan o magkabutas ang bangka? Papabayaan mo na lang na magkasama kayong lulubog? Maghihintay kayo ng rescue? Tangina kapal naman ng muka mo. Ikaw ang nagdesisyon mamangka tapos nung di mo na kaya magpapatulong ka sa iba. Naghanap ka pa ng damay. Busy din yung iba pamamangka tandaan mo yan. At for the record, nung kinuha mo yang bangka na yan alam mo na may ibang gustong sumakay, may ibang gustong sumaya. Iligtas mo ang sarili mong hangal ka.
Showing posts with label Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Pinoy. Show all posts
Tuesday, September 29, 2015
Wednesday, February 4, 2015
Tulang Tagalog: Tubigan
"Tubigan - Larong Pambata"
Ano ang Tubigan?
Ang Tubigan ay isang katutubong laro ng mga Pilipino na may anim hanggang walong manlalaro.Kilala rin ito sa tawag na Patintero.
Isinasagawa ito sa daan na ginuhitan (gamit ang chalk o uling) ng patayo at pahalang oupang makabuo ng parihaba o rectangle.
Ang mga manlalaro ay hahatiin sa dalawang grupo na may tatlo o apat na miyembro ang bawat isa. Pinipili ang bawat miyembro sa pamamagitan ng Pompyang (maiba taya),
sawsaw suka o bato-bato pick (jack en poy). Pagkatapos ay maglalaban ang dalawang pipiliing lider sa bato-bato pick o tao-ibon at ang matalo ang siyang taya.
Ang miyembro ng matatayang grupo ay tatayo sa mga parihabang guhit. Ang nasa
unang guhit o harap ay tinatawag na “patoto”. Ang Patoto ang tumatayong lider na siya lamang may karapatang manghuli o humila sa mga dadaan sa patayong gitnang linya
(parang vertical median na naghahati sa parihaba) na tumatawid sa tatlong pahigang
linya.
Ang miyembro ng nanalong grupo ay kailangang tumawid sa mga guhit papasok mula
sa harapang guhit hanggang sa pangatlo o huling guhit at makabalik palabas mula sa
huling guhit pabalik sa harap ng hindi nahuhuli o nahahawakan ng mga taya.
Upang hindi magtagal ang laro bumibilang nang hanggang sampu ang mga taya at kailangang tumawid na ang nanalong grupo bago matapos ang bilang. Kung
makukulong sa loob ng guhit ang lahat ng miyembro ng nanalong grupo, bibilang ng hanggang pito ang mga taya at sa loob ng pitong bilang kailangang may makalabas
kahit isa sa mga nakulong. Kung hindi maangkop sa mga patakaran maari nang mataya
ang kabilang grupo.
Narito ang tulang nabuo matapos kong panoorin ang mga batang nagsisipaglaro ng
patintero at ikumpara sa buhay ng tao ang laro.
"TUBIGAN"
isa dalwa tatlo
tawid bawal maiwan
apat lima anim
bilis baka abutan
pito...
Pitong nagbabagang guhit
walo hanggang sampu
tuloy-tuloy baka madagit
akala ko nuon tubigan ay laro lang
nitong mga naiinip na kabataan
ngunit nang ako'y magising kinabukasan
itong laro pala'y katotohanan
ang 'tubigan pala ay buhay ng tao
palagi kang taya kung di ka tatakbo
hihilahin o kaya'y itutulak ka ng iba
kapag mabilis naman ay titisurin ka
kaya naman sa larong 'tubigan
kailangang kumilos kaibigan
at nang hindi naman palaging ikaw
ang humahabol at tinatawanan
-Lawrence Avillano
Friday, January 30, 2015
Hayaan Mo Sila
Ni hindi ka daw mailibre ng meryenda
kasi naman laging sakto lang ang pera
pero mahal naman kitang talaga
maintindihan mo sana
hayaan mo sila
Hindi daw tayo bagay sa isa`t isa
dahil sobra mong ganda talaga
ubod ng bait at matalino pa
pero mahal naman kitang talaga
kaya hayaan mo sila
hayaan mo silang magsalita ng kung ano-ano
pagka`t di nila naiintindihan ang nararamdaman ko
hindi ang ganda mo ang minamahal ko
kahit pumangit ka ikaw ang sinta ko
kaya hayaan mo sila mahal ko
kasi naman laging sakto lang ang pera
pero mahal naman kitang talaga
maintindihan mo sana
hayaan mo sila
Hindi daw tayo bagay sa isa`t isa
dahil sobra mong ganda talaga
ubod ng bait at matalino pa
pero mahal naman kitang talaga
kaya hayaan mo sila
hayaan mo silang magsalita ng kung ano-ano
pagka`t di nila naiintindihan ang nararamdaman ko
hindi ang ganda mo ang minamahal ko
kahit pumangit ka ikaw ang sinta ko
kaya hayaan mo sila mahal ko
Subscribe to:
Posts (Atom)