Nais kong
hulihin mga bitwin sayong mata
mata na salamin ng ligayang nadarama
nadarama na pagibig hindi akin kundi kanya
kanya sa dahilang tayong dalwa'y malabo na

Ngunit giliw
kahit ganon sa labi ko ay may ngiti
ngiti na nagmula sa puso ko na palagi
palagi nang para sa yo'y may hiling sa pintakasi
pintakasi nitong pusong sa pagibig mo ay sawi

Sa 'king
labi ay nunukal ang ang taimtim na dalangin
dalangin kong ligaya mo'y makamit sa kanyang piling
piling ng iyong sintang palagay mo'y higit sa 'kin
Aking pagmamahal hindi pa rin magmamaliw

Aking hirang
mahal kita langit ako'y isumpa man
isumpa man na mundo ko'y magdilim na habang buhay
buhay na pangako kong hanggang huli sayo alay
alay na tinapon mo't niyurakang anong husay

©Lawrence
Avillano
Anadiplosis
A form of
poetry
No comments:
Post a Comment