Ads By Nuffnang

Friday, August 26, 2016

"Matyag"

Isang umaga
habang daan
aking namasid
ang batang pulubi
at ang kapatid niyang bitbit
hinang-hina nakayuko
nankasuksok sa isang gilid
mga muka'y namumutla
labi nila'y nangingilig
kanyang damit
tinatang-tang
nitong bunsong umiingit

mga mata nilang tarak
sa nagdaraan nakamasid
ang palad ay nakasahod
tinig halos di marinig
"palimos po kahit piso
sa tiyan lang may maisilid
kagabi pa kami gutom
wala man lang kahit tubig"

itong mga dumaraan
sila yata'y di makita
o sadyang bulag lamang
sa kapuwang may dalita
ang iba ay tumingin
may pagkutya pa sa mata
may ilan ngang nagbibigay
hindi abot
kundi itsa
na para bang sa aayaw
madum'han ang palad nila

sa isip ko ay natanong
bakit mundo ay ganito
kung ikaw ay may roon
halaga mo'y tila ginto
at kung ikaw wala't salat
basahan kang pang lampaso
kung bulsa mo ngayo'y puno
kilala ka kahit nino
kapag bulsa'y nabusbos na
kapiling mo ay anino

 ® Lawrence Avillano 2016
lawrenceavillano
Top of Form

No comments:

Post a Comment