Ads By Nuffnang

Tuesday, September 13, 2016

"Mga bayani; Sino sila?"

Lawrence Avillano
Mga bayani silang pagibig ay lubos
Sa abang bayan na dusa ay taos
Mula sa pagyasak at pagkabusabos
Ay tibok ng pulso ang ipinantubos
Sila itong mga walang ibang hangad
Kundi ang sa gapos ng dayo'y kumalag
Sa kanyon at riple ay hindi naduwag
kahit armas nila ay dulos at libag
Sila itong mga hindi nangabulag
Sa madayang kinang ng ginto at pilak
Wala mang malamon sa mumunting hapag
Hindi naging taksil sa lupaing liyag



No comments:

Post a Comment