Ads By Nuffnang

Thursday, August 25, 2016

Bakit May Dalang Bahay ang mga Pagong?

Isang Alamat ng Pagong

Nuon pang unang-una, ika-pitong araw matapos ang ika-anim na araw ng paglalang o Genesis, isang komunidad ng mga Hayop ang sumilang sa Pampang ng ilog Pison. Ang Pamayanang ito ay kinabibilangan ng pamilyang Kuneho, Kambing, Kabayo, Aso, Pusa at Pagong.

 Sa kanilang lahat, ang pamilyang pagong ang pinakamayaman. May malaki at maganda silang bahay at mamahaling mga gamit. Sa kabila nito, napakasama ng ugali ng pamilyang pagong.

Lahat sila mayabang, masungit, madamot at higit sa lahat, MAPAGBINTANG.
Lagi silang tamang-hinala. Wala silang tiwala sa mga kapit-bahay at maging sa isa't-isa. Halimbawa na nga lang isang araw bigla na lang sumigaw si Pinyong ang bunsong pagong. "Naligo lang ako nawala na agad ang IPhone 00.007+++ ko! Nilagay ko lang yon sa ilalim ng pinakamalambot kong unan! Siguro kinuha mo na naman Digong?! Bleep ka talagang Bleep ka. Bleep! Bleep!! " halos mapatid ang litid sa leeg ni Pinyong.

"Ano?! Ako na naman ang nakita mong bleep ka! Sabihin mo yan sa Samsung Universe X 0.0009 ko! Kabibili ko lang kanina! Bleep ka!"

 At duon nga nagsimula ang maghapong bakbakan samantalang nasa gilid lamang ng Sofang galing sa France ang I-phone ni Pinyong.

Ganon din ang ugali ng magasawang Enchong at Minang. Isang araw pagkagaling ni Enchong sa Casino "Minyang! Bleep ka! Pumunta ka dito! Nawawala yung mga sing-sing kong may Gemstone! Galing pa yon sa Turkey!"

 "Anong nawawala! Pinagbibintangan mo ba ko?" Madamdaming tugon ni Minyang
 "Oo! Kung yan ang gusto mong marinig! Bleep ka! Ipinusta mo na naman siguro sa Mahjong! Manang-mana ka sa nanay mo!"

"Yun lang ipupusta ko sa Mahjong? Ang cheap mo"

Maghapon-magdamag silang nagtalo samantalang si Enchong mismo ang nagpatalo nito sa Casino Real nuong isang linggo pa. May pinagmanahan nga ang mga anak nila. Tunay ngang hindi magbubunga ng Pomelo ang puno ng Grapes.

Isang araw nuon ng Saturday. Maganda ang gising ng lahat. Walang nawawala kaya wala ring pagtatalunan. Nagkayayaan ang pamilyang pagong na magsurfing sa Long Beach California. Masayang maghapon yun ng pagtatampisaw para sa Pamilyang pagong.

Ngunit.....

Sa pagdating nila sa kanilang Mansiyon. Nagulantang sila ng madatnan nila ang isang hindi pamilyar na nilalang sa kanilang Gazebo. Nagpakilala ito bilang si Pororo ang manlalakbay na Lobo. Ayon sa kanya naakit daw siya sa makukulay na bulaklak duon kaya napagpasyahan niyang lumapit.

 Pero dahil tamang hinala nga ang pamilyang pagong. Pinaratangan nilang magnanakaw si Pororo.

"Ikaw siguro ang nagnanakaw dito sa tuwing umaalis kami?!" sabi bi Enchong.

"Ikaw ang magnanakaw na kumuha mga Imported kong sapatos at mga mamahaling alahas!" bintang ni Minyang.

"Ikaw nga siguro ang magnanakaw na kumuha ng Lenovo Genius Pad ko. Nakunaku ibenenta mo na siguro pati mga picture ng girlfriend kong si Princess Sarah na nakasave duon! Bleep ka!" at binigwasan pa niya ang kawawang si Pororo sa sikmura.

 Siyempre magpapadaig ba naman si Digong pagong. "At dahil isa kang magnanakaw, dapat itong malaman nang lahat. Lilibutin mo a buong komunidad sa pampang ng ilog Pison habang sumisigaw ng 'Pinagnakawan ko ang Pamilyang Pagong! Magnanakaw ako! Wag niyo akong tularan!' haha! Bleep ka kasing magnanakaw ka!"

At wala ngang nagawa si Pororo kundi gawin ang pinaguutos ng Pamilyang Pagong. Hiyang-hiya man siya nilibot nga niya ang buong lugar habang sumisigaw ng "Pinagnakawan ko ang Pamilyang Pagong! Magnanakaw ako! Wag akong tularan!" Paulit-ulit! Nakakabobo! Napakasakit para sa kanya ng mga salitang binibitawan ng sariling bibig! Lumalatay sa kaluluwa.

 Matapos ang nasabing insedente. Natagpuan na lamang na patay si Pororong Lobo sa kaniyang inupahang silid sa Hudas Hotel. Nagbigti ito dahil sa kahihiyan. Sinalaysay niya sa kanyang Travel Blog ang buong pangyayari at pinabulaanan ang lahat.

Dahil nagpakamatay nga si Pororo. Kinailangang imbestigahan ang kanyang kaluluwa para mahusgahan kung siya ay karapat-dapat ngang maimpyerno.

Sa mga kopya ng Satelite Super CCTv 665.9 Nakita ng mga Diyos ng Olympo V ang buong pangyayari. At naglabas sila ng isang resolusyong nagsasabing;
 1. Ang kaluluwa ni Pororo ay hindi karapatdapat maimpyerno sapagkat nagpatiwakal siya dahil sa kahihiyang dala ng misdemeanor ng pamilyang pagong.
 2. Upang matigil na ang bintangan at kawalang tiwala sa loob ng pamilya at ang paghihinala sa mga kapitbahay, ay magkakaroon na nang kanya-kanyang bahay ang pamilyang pagong ngunit.... Ang bahay na ito ay kanilang suot-suot At dadala-dalahin kahit saan pa sila magtungo.

Magmula nga noon palagi nang dala-dala ng mga pagong ang kanilang mga bahay.

 ©  lawrence avillano 2016

No comments:

Post a Comment