Sa gabing
pipi
maging ang mga kuliglig
Kausap ko ang dingding
ang aandap-andap na ilaw
nais bigyang linaw
ang pagiisa at mga hinaing
ngunit ang tugon nila'y katahimikan din
katahimikang siya mong hiniling
kaya kausap ko ngayon
ilaw at dingding
sa gabing pipi
maging ang mga kuliglig
maging ang mga kuliglig
Kausap ko ang dingding
ang aandap-andap na ilaw
nais bigyang linaw
ang pagiisa at mga hinaing
ngunit ang tugon nila'y katahimikan din
katahimikang siya mong hiniling
kaya kausap ko ngayon
ilaw at dingding
sa gabing pipi
maging ang mga kuliglig
Sa mga
gabing ang langit ay madamot sa ulap
kinakausap ko ang mga bitwin
sa mga bulalakaw
Humihiling
ngunit napagtanto kong
sila at ikaw
ay di magkaiba
malayo
maganda
ngunit bingi
sa 'king hiling
sa mga gabing ang langit ay madamot sa ulap
kinakausap ko ang mga bitwin
sa mga bulalakaw
Humihiling
ngunit napagtanto kong
sila at ikaw
ay di magkaiba
malayo
maganda
ngunit bingi
sa 'king hiling
sa mga gabing ang langit ay madamot sa ulap
Lawrence Avillano 2016
No comments:
Post a Comment